Linggo, Setyembre 6, 2015

Induction cooker para sa mga budget conscious. Pasok ba sa budget?

Posible nga ba? Diba malakas sa kuryente yun? Base sa experience ko pwede naman at wala naman akong nakitang drastic change sa meralco bill ko na ikahihimatay ko haha. So here’s my kuwento using induction cooker. Ilang buwan kong pinag isipan kung bibili ba ako ng IC oh hindi kasi marami akong isina alang-alang katulad nga ng meralco, safety at efficiency. Hanggang sa ayun sa loob ng hypermarket tumingin tingin ako ng mga IC. Gusto ko sana yung Phillips one plate kaya lang hindi kasya pera ko. Napansin siguro nung dizer na namahalan ako kaya in offer niya yung hanabishi-200. Latest model daw yun, flat siya at touch screen. Sabi pa niya pareho lang din ng function ng phillips na aadjust ang temp setting kaya nga lang syempre may brand yun kaya medyo mahal. So binili ko na nga si HIC-200. Ito yung daily routine ko pagluluto para may idea kayo.
rolled oats old fashioned: 7 minutes/100C or pag nagmamadali 5 minutes/ 130C
pakulo tubig kalahating kaldero: 9 minutes/ 100C or 7 minutes/130C
luto ulam karne manok: 28 minutes: 130C pag sea food 20 minutes/130C
mirienda: 15 minutes/ 100C
yan yung routine ko sa loob ng 15 days simula nung ginamit ko si induction.
Nung dumating si meralco bill ang na add sa kuryente ko ay 120. May routine din kasi ang pag gamit ko ng appliances halos pare pareho lang ang bill ko monthly kaya alam ko kung magkano ang nadagdag. Sa palagay ko pasok naman sa budget ang induction cooker. Plus malinis sa kusina. Hindi umiinit ang paligid kapag nagluluto. Ang mararamdaman mong init ay yung galing sa niluluto mo mismo hindi sa induction. Hindi din haggard after magluto hehehe. Ang pinaka gusto ko sa lahat na aadjust mo yung time ng pagluluto mo base sa available mong oras kung nagmamadali ka ba or normal lang ng pagluluto. Medyo napaparanoid lang ako sa tik sound kapag nagluluto. Feeling ko sasabog pero feeling ko lang yun hehehe. Saka kung sasabog man yun palagay ko sa breaker siya puputok unlike sa gazul na kapag sumabog yung buong bahay damay. Ayun sana makatulong tong munti kong akda para sa katulad kong gustong sumubok gumamit ng induction.

5 komento:

  1. hi sis, may tik sound ba talaga? napaparanoid din ako eh hehehe

    TumugonBurahin
  2. been using HIC 200 for months now until mabagsakan ng kaldero from the cabinet basag, 1300 ang palit sa glass, plus syempre yung labor and spare parts. Sabi bili na lang ako. Planning to buy Phillips or Imarflex or others pero eto Hanabishi HIC 200 pa rin nabili ko. Sale din kasi sa Megamall 10%. Hahaha.

    TumugonBurahin
  3. Asking!
    Pano po ba magcontinues ung heating option for example ung boiling. Pano tatanggalin ung time para hnd na namamatay mayat maya.

    TumugonBurahin
  4. Pwidi ba gamitin si induction ng matagalan

    TumugonBurahin
  5. Casino Slots Online - MapYRO
    Try over 청주 출장마사지 3,000 경상남도 출장마사지 of the 아산 출장마사지 best casino slots games, and find the perfect game for your mobile device. Discover and 포천 출장안마 play games from the top 부천 출장마사지 providers

    TumugonBurahin