Linggo, Setyembre 6, 2015

Induction cooker para sa mga budget conscious. Pasok ba sa budget?

Posible nga ba? Diba malakas sa kuryente yun? Base sa experience ko pwede naman at wala naman akong nakitang drastic change sa meralco bill ko na ikahihimatay ko haha. So here’s my kuwento using induction cooker. Ilang buwan kong pinag isipan kung bibili ba ako ng IC oh hindi kasi marami akong isina alang-alang katulad nga ng meralco, safety at efficiency. Hanggang sa ayun sa loob ng hypermarket tumingin tingin ako ng mga IC. Gusto ko sana yung Phillips one plate kaya lang hindi kasya pera ko. Napansin siguro nung dizer na namahalan ako kaya in offer niya yung hanabishi-200. Latest model daw yun, flat siya at touch screen. Sabi pa niya pareho lang din ng function ng phillips na aadjust ang temp setting kaya nga lang syempre may brand yun kaya medyo mahal. So binili ko na nga si HIC-200. Ito yung daily routine ko pagluluto para may idea kayo.
rolled oats old fashioned: 7 minutes/100C or pag nagmamadali 5 minutes/ 130C
pakulo tubig kalahating kaldero: 9 minutes/ 100C or 7 minutes/130C
luto ulam karne manok: 28 minutes: 130C pag sea food 20 minutes/130C
mirienda: 15 minutes/ 100C
yan yung routine ko sa loob ng 15 days simula nung ginamit ko si induction.
Nung dumating si meralco bill ang na add sa kuryente ko ay 120. May routine din kasi ang pag gamit ko ng appliances halos pare pareho lang ang bill ko monthly kaya alam ko kung magkano ang nadagdag. Sa palagay ko pasok naman sa budget ang induction cooker. Plus malinis sa kusina. Hindi umiinit ang paligid kapag nagluluto. Ang mararamdaman mong init ay yung galing sa niluluto mo mismo hindi sa induction. Hindi din haggard after magluto hehehe. Ang pinaka gusto ko sa lahat na aadjust mo yung time ng pagluluto mo base sa available mong oras kung nagmamadali ka ba or normal lang ng pagluluto. Medyo napaparanoid lang ako sa tik sound kapag nagluluto. Feeling ko sasabog pero feeling ko lang yun hehehe. Saka kung sasabog man yun palagay ko sa breaker siya puputok unlike sa gazul na kapag sumabog yung buong bahay damay. Ayun sana makatulong tong munti kong akda para sa katulad kong gustong sumubok gumamit ng induction.